Maligayang pagdating sa Mga Tool sa Ruso, ang aming site para sa mga tool para matuto ng Ruso!

Ang mga Tool sa Ruso ay mayroong maraming mga tool sa pag-aaral at pagtuturo ng Ruso, at nagdaragdag pa kami tuwing makakaya namin. Tingnan na ang mga ito:

I-type sa Siriliko - I-type gamit ang isang normal na keyboard at ang teksto ay magiging Siriliko. Maaari mong piliin ang mga Sirilikong titik sa tool mismo.

Tagalikha ng Worksheet sa Ruso - Lumikha ng mga worksheet para matuto o magturo ng Ruso na may iba't ibang mga pagpipilian at font. Maaari mong i-customize ang mga sheet, paitan ang teksto at mga kulay ng background, magdagdag ng romanisasyon, at marami pang iba!

Tagalikha ng Paghanap ng Salita sa Ruso - Lumikha ng mga paghahanap ng salita sa Ruso para magturo ng Ruso, na may iba't ibang opsyon para sa kustomisasyon, kabilang na ang display form at mga font. Maaari mo ring piliin kung gaano kalawak ang mga paghahanap ng mga salita. Kapag ang isang worksheet ay nailikha, ang tool na ito ay lilikha ng isang pangalawang pahina na siyang magiging "answer key" na nagpapakita kung saan mahahanap ang lahat ng mga salita. Maaari mong i-print itong answer, kahit gaano pa man karami ang naisin mo. 

Maramihang pagsasalin ng Ingles tungong Siriliko - Ito ay isang advanced na tool sa pagsasalin. I-type ang iyong tekstong Ingles at isasalin ng tool na ito ang iyong tekstong Ingles tungong Siriliko, habang pinapanatili ang original na formatting ng iyong entry text sa output box.

Anagram Solver sa Ruso - I-type ang mga Rusong titik at makikita mo ang lahat ng mga salita sa aming diksyunaryo na maaari mong pagsamahin mula rito. Sa Simple view, makikita mo ang mga salitang nakaayos batay sa kung ilang titik ang mayroon ang mga ito. Sa Advanced view, maaari mong isaayos ang mga resulta, mapa-abakada man o batay sa bilang ng mga titik. Manalo sa mga word game ngayon! 

Gawing mga Numero ang mga Numerong Ruso - I-type ang mga numerong Ruso at isasalin ito ng tool sa numerong Arabe. Maaari mo ring gawing mga numerong Ruso ang mga numerong Arabe, na may opsyon para magdagdag ng mga kuwit kada 3 o 4 na mga numero (depende sa iyong pangangailangan o kagustuhan.)

Tool sa Romanisasyon ng Alpabetong Siriliko - Ang tool na ito ay isinasalin ang iyong teksto mula Siriliko tungong alpabetong Latin nang maramihan. Napakainam nitong tool kung nais mong romanisahin ang tektsong Ruso para sa trankripsyon, halimbawa. 

Tekstong Ruso tungong Image - I-type ang iyong tekstong Siriliko, pagkatapos ay piliin ang kulay ng iyong font, kulang ng background, at ang nais mong Rusong font. Ang tool na ito ay lilikha ng isang imahe batay sa iyong teksto at mga pagpili. Ang imahe ay maaaring i-output at i-save bilang JPEG, PNG o BMAP.

Palitan ang Letter Case Sa Ruso mula Malalaking Titik/Maliliit na Titik/Sentence Case - Mainam ang tool na ito sa pagpapalit ng letter case sa Ruso mula malalaking titik tungong, maliliit na titik tungong malalaking titik. Mayroon ring itong opsyon para i-capitalize ang mga bagong salia (na kung tawagin ang "sentence case.")

Palitan ang Letter Case ng mga TXT (Text file) sa Ruso - Ginagawang malalaking mga titik o sentence case ang mga TXT file sa Ruso na may maliliit na mga titik.

Palitan ang Letter Case ng mga SRT (Subtitle na file) sa Ruso - Ginagawang malalaking mga titik o sentence case ang mga SRT file sa Ruso na may maliliit na mga titik.

Bilang ang mga Rusong karakter - I-type ang iyong teksto at ipapakita ng tool na ito kung ilang mga Sirilikong karakter ang mayroon ito.

Isalin ang Ruso tungong Unicode at Unicode tungong Ruso - Ang tool na ito ay mainam para sa sinumang gumagamit ng Sirilikong mga karakter online.

Isalin ang Sirilikong alpabeto tungong Hebreong alpabeto - Ang tool na ito ay katulad ng aming Tool sa Romanisasyon, ngunit ito naman ay isinasalin ang Sirilikong mga karakter tungong Hebreo. 

Hanapin ang mga Salitang Ruso batay sa Haba - Hanapin ang mga salitang Ruso batay sa inisyal na titik ng mga ito at ng bilang ng mga titik sa salita. Halimbawa, maaari mong isearch ang lahat ng mga salitang Rusong may 5 mga titik na nagsisimula sa м. 

Hanapin ang mga Salitang Rusong Nagtatapos sa - Hanapin ang mga salitang Ruson batay sa huling letra nito, at ang eksaktong bilang ng mga letra sa salita. Halimbawa, maaari mong hanapin ang mga salitang Rusong may 5 titik na nagtatapos sa м. 

Hanapin ang mga salitang Rusong mayroong - Gamit ang tool na ito, maaari mong hanapin ang mga salita sa Rusong mayroong mga tiyak na titik sa iba't ibang pagkakaayos. Maaari mong hanapin ang mga kombinasyon ng dalawa o higit pang mga titik, kahit na magkakahiwalay o magkakasama ang iyong mga napiling letra.

Gawing Pang-maramihan ang Pang-isahan sa Ruso - May kahirapan ang deklinasyon ng Ruso. Ang tool na ito ay ginagawang pang-maramihan ang pang-isahan, o ang kabaligtaran. 

I-type ang mga salitang Ruso at alamin ang kasarian nito - May kahirapan ang deklinasyon ng Ruso. Ang tool na ito ay makatutulong para malaman mo ang gramatikal na kasarian ng mga salitang Ruso.

_________

Ang iba pa naming mga website: 

Tagasalin sa Tsino - Mga tool sa pag-aaral ng Mandarin, kabilang na ang higit sa 25+ na mga tool

Mga Tool para matuto ng Kantones - Mga tool sa pag-aaral ng Kantones, kabilang na ang mga tagasalin na tool mula Kantones tungong Jyutping.



Copyright

Learn Russian Tools © 2012-2021 Shudian Ltd.|Privacy Policy & Terms of Use|Contact us

- All rights reserved.